Kelot tumulong sa bumbero, patay sa kuryente
MANILA, Philippines — Hindi inakala ng isang lalaki na ang kanyang pagtulong sa mga nasusunugan ang dahilan ng kanyang kamatayan matapos na makuryente sa Talisay, Cebu.
Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Jonard Requilme, nasa hustong gulang.
Sa ulat, napag-alaman sa mga bumbero na tumutulong ang biktima kahit hindi naman damay ang kanilang bahay sa sunog matapos na makuryente sa nasaging live wire.
Sa kwento ng live-in partner ng biktima, natutulog sila nang magising dahil sa sigawan at trak ng bumbero.
Nalaman nilang may sunog sa Sitio Krusan Barangay Bulacao, Talisay City.
Nang marinig ang sigawan ay agad itong pumunta sa pinangyarihan ng sunog si Requilme.
Habang dala dala ang hose, nasagi ni Requilme ang nakalambiting live wire at dito na siya biglaang natumba.
Umabot sa 12 bahay ang natupok ng apoy habang nasa 16 na iba pa ng bahagyang napinsala.
Aabot naman sa P1.5 milyon ang halaga ng pinsala sa ari-arian.
Nagbigay naman ng tulong ang lokal na pamahalaan at ang barangay sa pamilya ni Jonard, at sa mga naapektuhan ng sunog.
Sasagutin din ng Talisay LGU ang pagpapalibing kay Jonard.
- Latest