^

Probinsiya

2 estudyante nalunod sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 estudyante nalunod sa Cavite
Sa ulat, alas-11:00 ng gabi ng madiskubre ng isang ama ang katawan ng kaniyang anak na nakalubog sa isang ilog sa Sitio Pag-asa Bridge Brgy Aguado,Trece Martires City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang estud­yante ang naiulat na nasawi sa magkahiwa­lay na insidente ng pag­kalunod sa lugar sa lalawigan ng Cavite, kamakalawa.

Sa ulat, alas-11:00 ng gabi ng madiskubre ng isang ama ang katawan ng kaniyang anak na nakalubog sa isang ilog sa Sitio Pag-asa Bridge Brgy Aguado,Trece Martires City.

Kinilala ang biktima na si Mark Aaron Pugong, 8-anyos Grade 3 student, residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya hinahanap ni Mark Pugong ang kaniyang anak dahil sa hindi pa ito nakakauwi ng bahay.

Nang napagawi ito sa ilog ay nakita niya ang kanilang payong na ginamit ng kaniyang anak nang umalis ng kanilang bahay.

Agad niya itong tinungo at sa pagha­hanap nito dito niya nakita ang kaniyang anak na nakalubog sa tubig

Iniaahon at itinakbo sa General Emilio Aguinaldo Hospital, subalit idineklarang dead-on- arrival na ito.

Kasabay nito, alas- 9:30 ng umaga nang malunod ang biktimang si John Daniel Camigla, 23-anyos, 2nd year College student, residente ng #1322 Fruto Santos Avenue, Barangay Zapote, Las Piñas City.

Sa pagsisiyasat ay nag-outing ang biktima kasama ang ilang kaibigan sa isang resort Barangay San Nicolas 1,Bacoor City.

Pagtalon ng biktima sa 7 feet na lalim ng swimming pool ay hindi na ito lumutang at nang tingnan ng mga kaibigan ay nasa ilalim ito ng tubig at wala ng malay.

Agad nila itong iniahon at itinakbo sa Cavite East Asia Medical Center, subalit idineklarang dead-on-arrival.

NALUNOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with