^

Probinsiya

2 hired killers, 2 pa todas sa pamamaril

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Apat katao ang patay kabilang ang dalawa umanong “hired killers” sa naganap na magkahiwalay na pamamaril sa lungsod na ito, kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ang unang napatay na si Norhamin Usman Guidel. Siya ay pinabulagta bandang alas-6:00 ng gabi nitong Lunes ng isang gunman sa bisinidad ng city plaza, hindi kalayuan mula sa Cotabato City Police Precinct 1.

Nakatakas ang mga suspek bago pa man dumating ang responde mula sa pulisya. 

Matapos ang may 10 minuto, pinagbabaril din ng pistol ng dalawang suspek ang isa pang biktima na nakilalang si Rashidin Angas sa may busy stretch ng Sinsuat Avenue.

Sakay si Angas ng motorsiklo nang buntutan ng dalawang suspek at saka pinagbabaril sanhi ng agarang pagkasawi nito.

Samantala, napatay ng pulisya ang dalawang hinihinalang hired killers na sina Naif Kasim at Lakmudin Mohammad matapos silang masukol sa hot pursuit operation.

Ito ay kasunod ng ginawa nilang tangkang pagpatay sa isang empleyado ng Bangsamoro Transition Authority na si Rahib Panumpang Payapat, may limang minuto lang matapos ang insidente ng pamamaril kay Angas.

 Minamaneho ni Payapat ang kanyang Toyota Hlux pickup truck nang dikitan ng mga suspek lulan ng motorsiklo at pinagbabaril saka sumibat sa lugar.

Naharang naman ng mga nagpapatrolyang pulis sina Kasim at Lakmudin subalit nanlaban umano nang aarestuhin kaya sila napatay sa engkuwentro.

vuukle comment

PAMAMARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with