^

Probinsiya

155 Howitzers ng AFP, isinalang sa live fire exercises

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
155 Howitzers ng AFP, isinalang sa live fire exercises
Ang bagong armas ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na 155 Self-Propelled (ATMOS 2000) Howitzers na isinabak sa 3-araw na live fire exercises sa Brgy. Talisawa, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur, nitong Nob. 9-11, 2022.
STAR/ File

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao, Philippines— Isinagawa ang tatlong araw na live fire exercises sa bagong armas ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas na 155 Self-Propelled (ATMOS 2000) Howitzers sa Brgy. Talisawa, Datu Abdullah Sangki, Maguin­danao del Sur, mula Nob­yembre 9-11, 2022.

Ayon kay Lt. Col. Chamberlain Esmino, Commander ng 10th Field Artillery Battalion na ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagtatapos ng 10FAB Battalion Organizational Training na mangangasiwa sa nasabing armas.

Napag-alaman na walo sa 12 na 155mm (ATMOS 2000) Self-Propelled Howitzers ang dinala sa Mindanao noong Setyembre 29 na ang pangunahing layunin ay sugpuin ang terorismo at insurhensiya sa bahaging ito ng Mindanao.

Tiniyak naman ng pamunuan ng 6ID na ina­bisuhan muna ang lugar na pinagdausan ng live fire exercises ng nasabing ‘game changer assets’ ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Pinasalamatan ni Co­lonel Francis Anthony Co­ronel, ang Army Artillery Regiment, Commander si Hon. Al Wali Mangudadatu, ang mayor ng bayan ng DAS sa malugod na pagpapaunlak sa aktibidad at pagsagawa ng live fire exercises sa bayan ng DAS. Ilang mga kagawad naman ng media ang sumaksi rin sa pagpapa­putok ng nasabing armas.

Ayon kay Major Ge­neral Roy M Galido, commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, ang ATMOS ang pinakamalaking baril sa Army Arsenal ngayon.

“With automatic loading and a digital fire control, it can deliver accurate fires to a range of up to 41 kilometers, bagay na tinaguriang ‘game-changer’ assets ng ating hukbo bilang suporta sa mga isinasagawa nating military operations sa Central at South-Central Mindanao,” giit ni Maj. Gen. Galido.

ATMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with