^

Probinsiya

Mag-live in tinaga, pinasabugan ng dinamita, ginang patay

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
Mag-live in tinaga, pinasabugan ng dinamita, ginang patay
Kinilala ang nasawi na si Lorna Macayan habang sugatan naman ang kinakasamang si Jonathan Mahinay.
STAR/File

Mariveles, Batan, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng isang babae, habang suga­tan ang ka-live in nito matapos silang pagtatagain at pasabugan pa ng dinamita ng kanilang manugang sa Barangay Ipag ng ba­yang ito, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Lorna Macayan habang sugatan naman ang kinakasamang si Jonathan Mahinay.

Ayon sa salaysay ni Mahinay, nagpapahinga sila ng kanyang kinakasama nang walang kaabog-abog silang sinunggaban ng manugang na lasing na si Toto Katunda saka pinagtataga.

Bagama’t duguan, nagawa pang maki­pagpambuno ng lala­king biktima sa suspek.

Kasunod nito ay tumakbo palayo ang suspek na lingid sa kaalaman ng mga biktima ay kumuha pala ng dinamita saka pinasabog katabi ang nasabing biyenang babae na naging dahilan ng kamatayan nito.

Naaresto naman ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.

Nag-ugat ang krimen dahil umano sa matagal nang alitan ng pamilya.

vuukle comment

LIVE IN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with