^

Probinsiya

3 rapist arestado sa sementeryo

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
3 rapist arestado sa sementeryo
Batay sa report ng Police Regional Office 8, inaasahan ng mga otoridad na pupunta sa sementeryo ang suspek na hindi pinangalanan at nasa most wanted sa naturang rehiyon.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatlong suspek na wanted sa kasong panggagahasa ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad nitong Miyerkules sa Palawan.

Batay sa report ng Police Regional Office 8, inaasahan ng mga otoridad na pupunta sa sementeryo ang suspek na hindi pinangalanan at nasa most wanted sa naturang rehiyon.

Hindi na nagawa pang makatakbo ng suspek makaraang makorner na ito ng pulisya at agad na pinosasan.

Ayon kay Colonel Reydante Ariza,chief of the Regional Intelligence Division-PRO 8. ang nadakip na suspek ay kabilang sa apat na dumukot sa isang babae at pinagtulu­ngang gahasain noong Nobyembre 2014, sa Southern Leyte.

“Napag-alaman natin na ito ay dadalaw sa puntod ng kanyang kaanak na sumakabilang buhay doon sa sementeryo kaya hindi na tayo nag-atubili pa nang malaman natin kung saan siya pupunta. Agad po natin itong sinundan,” ani Ariza.

Sa Northern Samar naman nadakip din ang isang suspek na gumahasa sa sarili niyang anak noong 2010 habang nadakip din ang isa pang ama na gumahasa sa dalawa niyang anak na menor de edad noong 2021 sa pinagtataguan nito sa Pasig City.

vuukle comment

ARRESTED

RAPIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with