^

Probinsiya

Bayan ng Polilio sa Quezon, nilindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang binabayo ng ulan  dulot ng bagyong Paeng ang lalawigan ng Quezon, isa namang 3.4 magnitude na lindol ang naitala sa bayan ng Polilio.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa may  001 kilometro ng timog silangan ng Polillo (Quezon) alas-5:56 ng umaga.

Umaabot naman sa 003 kilometro ang lalim ng lupa sa naganap na lindol at tectonic ang ugat ng lindol.

Bunsod nito, nakapagtala ang Phivolcs ng Ins­trumental Intensities na Intensity 4 sa Polillo, Quezon; Intensity 2 sa Infanta at Alabat, Quezon at  Intensity I sa Mauban, Quezon.

Wala namang naiulat na pinasala ang Phivolcs kaugnay ng naganap na pagyanig at wala ring inaasahang aftershock ng lindol.

vuukle comment

POLILIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with