^

Probinsiya

Diarrhea tumama sa 6 barangay: 2 nasawi, 50 pa naospital sa Tacloban City

Miriam Desacada - Pilipino Star Ngayon
Diarrhea tumama sa 6 barangay: 2 nasawi, 50 pa naospital sa Tacloban City
Ayon sa Tacloban City Health Office, ang dalawang biktima ay kapwa namatay, sa matinding dehydration bunsod ng diarrhea o pagdudumi.
STAR/ File

TACLOBAN CITY, Philippines — Dalawa ang patay habang nasa 50 pa ang naopistal matapos tamaan ng diarrhea ang mga residente sa may anim na barangay sa Tacloban City, nitong nakalipas na isang linggo.

Isa umano sa dala­wang nasawi ay ang 10-buwang gulang na sanggol.

Ayon sa Tacloban City Health Office, ang dalawang biktima ay kapwa namatay, sa matinding dehydration bunsod ng diarrhea o pagdudumi.

Agad na nagsagawa ang health authorities ng rapid diagnostic tests sa mga pasyenteng tinamaan ng nasabing sakit na nagmula sa Barangays 105, 106, 107, 91-Abucay, 39-Calvary Hill at 79-Marasbaras.

Sinabi kahapon ni City Health Officer Danny Ecarma na lumabas sa resulta ng isinagawang pagsusuri sa mga pas­yente na positibo sila sa cholera. Posible aniyang dahilan ito sa kontaminadong tubig na kanilang nainom mula sa mga lugar sa lungsod na apektado.

Iniutos na ni Mayor Alfred Romualdez ang inspeksyon sa lahat ng water refilling stations at sa lahat ng pinagmumulan ng inuming tubig sa mga nabanggit na apektadong lugar.

Sa kabila nito, hindi pa idinedeklara ng city health authorities kung may outbreak o wala.

vuukle comment

DIARRHEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with