^

Probinsiya

40 bloke ng marijuana samsam sa AUV, 3 drug suspect arestado 

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Mahigit P330,000 na halaga ng marijuana ang nakumpiska sa tatlong hinihinalang tulak sa loob ng isang AUV makaraang madaanan ng mga pulis na nagsasagawa ng roving patrol, nitong Lunes ng madaling-araw sa Barangay Langkaan 1 Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, 40 bloke ng marijuana at mga likido ng marijuana ang nakum­piska ng pulisya sa tatlong suspek na na­kilalang sina Orlando Abong  29-anyos; Jeremiah Schroeder, 28, at  John Edmar Ortelano, 23, pawang residente ng Dasmariñas City habang nakatakas ang isa pa na nakilala lamang sa pangalang “Bowen”.

Ayon kay Police Col Juan Oruga, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, dakong ala-1:45 ng madaling araw habang nagsasagawa ng roving patrol ang Dasmariñas Police nang madaanan nila ang isang Toyota Innova na may plakang VEU 209 sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.

Nilapitan ito ng grupo at nakitang apat na lalaki ang nasa loob ng sasakyan. Sinita ng mga pulis ang apat at tinanong kung ano ang ginagawa nila sa nasabing lugar. Pero, imbes na magpaliwanag, aroganteng sumagot ang mga suspek at nang simulan nang halughugin ng mga pulis ang sasakyan ay dito tumambad ang bloke-blokeng marijuana.

Lumalabas na nagsasagawa pala ng drug deal ang mga suspek sa nasabing lugar. Mabilis na tumakbo ang isa habang nadakip ang tatlong suspek.

Nakumpiska sa operasyon ang may 40 bloke ng marijuana na may timbang na 33 kilo at may halagang  P330,000 at dalawang botelya ng liquid marijuana.

JUAN ORUGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with