^

Probinsiya

Lider ng carnapping at gun for hire, timbog

Jennifer Rendon - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang lider ng carnapping at gun-for-hire group sa lalawigan ng Iloilo, kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Joan Lego, 41, miyembro ng Libuna-Lego Group, na nasugatan nang manlaban sa mga otoridad na aaresto sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Acao, Cabatuan, Iloilo.

Sa ulat,nagsanib ang puwersa ng Cabatuan Municipal Police Station, Lambunao MPS, Guimbal MPS, Pototan MPS, Iloilo Police Provincial Office (IPPO) Special Operations Group, Highway Patrol Group, 602nd at 603rd companies ng  Regional Mobile Force Battalion 6 (RFMB-6) upang isilbi ang  arrest warrant laban sa suspek.

Sa halip na sumuko ay pinutukan nito ang mga otoridad na gumanti ng putok at naaresto ang suspek at ang kanyang buntis na live-in partner na si Maylin Araneta,28.

Nabatid na si Lego, at isa pang lider na si Rowen Libuna, ay wanted sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) and Republic Act 9516 (Illegal Possession of Explosives).

Ang dalawang lider ay may mga warrant of arrest sa kasong robbery na may Criminal Case No. 21-86885 na inisyu ni Judge Juana Judita Patriarca Panigbatan-Nafarrete ng RTC6 Branch 38, Iloilo City.

Wanted din ang dalawa sa kasong carnapping na may Criminal Case No. 21-86886 na inisyu ni Judge Daniel Antonio Gerardo Salvilla Amular of RTC6 Branch 35, Iloilo City noong Oct. 18, 2021.

May warrant of arrest din ito kasama ang pinsan na si  Joeffrey Vicente sa kasong robbery na may Criminal Case No. 20-06-38 na inisyu ni Judge Gemalyn Faunillo-Tarol ng  RTC6 Branch 76, Januiay, Iloilo noong Aug. 11, 2020.

Maging siya at live-in na si Araneta ay wanted sa kasong theft na may  Criminal Case No. 3544 na inisyu ni Judge Carmela Mae F. Mallada Tunguia ng 12th Municipal Circuit Trial Court of Cabatuan-Maasin, Iloilo noong Aug. 8, 2018.

Sa nasabing operation, ay narekober kay Lego at kay Araneta ang  isang homemade 12-guage shotgun na may lamang bala, grenade, at black bag.

Ang Libuna-Lego Gang ay kilala sa robbery/hold-up at gun-for-hire activites hindi lang sa Iloilo kundi maging sa ibang parte ng Region 6.

vuukle comment

CARNAPPING

GUN FOR HIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with