^

Probinsiya

Fernando nag-inspeksyon vs illegal quarry at mining ops sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

STA. MARIA, Bulacan, Philippines — Seryoso at mahigpit ang kampanya ni Bulacan Governor Daniel Fernando sa pagpapatigil ng quarrying at mining activities sa kanyang nasasakupan kung kaya nagsagawa siya ng biglaang inspeksyon laban sa mga nagsasagawa ng illegal quarrying operation sa Sitio Alimasag, Brgy. Camangyanan ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kasama ni Fernando sa surprise inspection ang mga opisyal ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) sa pamumuno ni Atty. Julius Victor Degala at P/Major June Tabigo-on PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Bulacan.

Nauna rito, naaresto sa ikinasang operasyon BENRO at CIDG nitong Biyernes ng hapon ang lima umanong illegal miners na residente rin ng Sitio Alimasag at kasaluku­yang humaharap sa tatlong kaso kabilang na ang mineral theft sa ilalim ng Republic Act 7942, Section 103; Section 71-A ng Provincial Ordinance C-005 o ang Environmental Code ng Bulacan at sa paglabag sa bagong inilabas na Executive Order No. 21 Series of 2022 ni Fernando na pansamantalang nagsususpinde ng lahat ng quarrying activities sa buong lalawigan.

Ipinaliwanag din Fernando na ang nasabing lugar ng quarry, na ilan taon nang nagsasagawa ng operasyon ay dating sakahan kung saan nadiskubre ng mga residente na ang ilalim nito ay volcanic tuff na kilala bilang escombro o “bulik” na isang magandang uri ng mineral na kadalasang ginagamit sa landscape garde­ning na nagkakahalaga ng P150-P600 bawat bloke.

Bukod pa rito, nadiskubre rin ng roving team ang isang exhausted quarry area na puno nang tubig-ulan na may lalim na higit pa sa sampung talampakan na maaaring magdulot ng panganib sa mga residenteng nakatira malapit doon.

Sinabi rin ni Fernando na makikipag-ugnayan sila sa lokal na pamahalaan tungkol sa naturang quarrying activity.

“Ito pong inspeksyon ay bunga ng patuloy na­ting laban kontra illegal quarrying. Ayon po sa ating BENRO, mayroon nang tatlo o apat na iligal na nahukay sa lugar na ito at ‘yung isang butas ay iniwan na lang nila at may tubig na. So hindi po tama ang nangyayari; sisiguraduhin po natin kung ito ay alam ng local government and I think, kinakailangan mag-usap kami tungkol dito,” ani Fernando.

Nakiusap din siya sa mga Bulakenyo lalo na ang mga nasa industriya ng pagmimina na sumunod sa mga regulasyon at magsagawa ng operasyong ligal na may permit.

Nabatid pa ng gobernador na ang mga iligal na nagmimina ay guma­gamit ng manual tools sa pagkuha ng mga mine­ral upang mabawasan ang ingay sa kanilang operasyon.

vuukle comment

DANIEL FERNANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with