^

Probinsiya

Drug den ni-raid: Magdyowa, 1 pang naka-urine catherer tiklo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Sinalakay ng pulisya ang isang hinihinalang drug den na naaktuhan ang magdyowa at isa nilang kliyente na naka-urine catheter habang nagre-repack ng shabu kamakalawa ng hapon sa Pulido Compound Panapaan IV, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Marlon Dela Cruz Cantoria, 32-anyos, pintor, maintainer ng nasabing drug den maintainer, ang kinakasama nitong si Angelita Li­quigan Soraliza, 32-anyos na kasama sa target drug list ng pulisya; kapwa residente ng Pogi St. Miranda Compound Niog II, Bacoor City, Cavite at ang naka-urine catherer na si Alvin Grafil Popez, 36.

Narekober sa mga suspek ang higit sa 15 gramo ng shabu na aabot sa P103,500 halaga at mga drug paraphernalia.

Ayon sa Operating Units na Philippine Drug Enforcement Agency-Cavite Provincial Office at Statewide Drug Enforcement Unit (SDEU) at Bacoor City Police, ang mag-live in na suspek ay pareho nang dating nakulong dahil din sa iligal na droga.

vuukle comment

PULISYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with