^

Probinsiya

Calaca, idineklara nang lungsod sa Batangas

Ed Amoroso, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Calaca, idineklara nang lungsod sa Batangas
Lumabas sa opisyal na resulta ng Commission on Elections (Comelec) na 29,424 residente ang bumoto ng “Oo” habang 3,781 ang bumoto sa “Hindi” mula sa katanungang -- “Pumapayag ka ba na ang munisipa­lidad ng Calaca ay ga­wing isang lungsod ng probinsya ng Batangas na kikilalanin bilang lungsod ng Calaca alinsunod sa Batas Republika bilang 11544 na kilala rin bilang charter of the city of Calaca.
Municipal Government of Calaca Facebook Page

 ‘Yes’ vote, wagi sa plebisito

CALACA, Batangas, Philippines — Nagbunyi ang mga taga-Calaca matapos na pormal na maideklara na ika-limang siyudad ang kanilang bayan nang ma­nalo ang “Yes” vote sa katatapos na plebisito sa lalawigang ito kamakalawa.

Lumabas sa opisyal na resulta ng Commission on Elections (Comelec) na 29,424 residente ang bumoto ng “Oo” habang 3,781 ang bumoto sa “Hindi” mula sa katanungang -- “Pumapayag ka ba na ang munisipa­lidad ng Calaca ay ga­wing isang lungsod ng probinsya ng Batangas na kikilalanin bilang lungsod ng Calaca alinsunod sa Batas Republika bilang 11544 na kilala rin bilang charter of the city of Calaca.

Nabatid na mahigit 50 porsyento ng populas­yon ng mga botante ng Calaca ang lumabas upang bumoto sa 37 na itinalagang polling cen­ters nitong Sabado sa kabila ng banta ng ma­lakas na pag-ulan dala ng Habagat at sa paghagupit ng bagyong Henry.

Dahil dito, ang Calaca ang naging kauna-una­hang lungsod sa unang distrito ng Batangas at panglima sa buong lalawigan kasunod ng Lipa, Batangas, Tanauan at Sto. Thomas.

Naging saksi sa prok­lamasyon sina Comelec Chairman George Erwin Garcia, Commissioner Aimee Ferolino, Mayor Nas Ona, First District Rep. Eric Buhain, ang kanyang maybahay na si dating Rep. Eileen Ermita-Buhain at iba pang lokal na opisyal.

Sinabi ni Calaca Police officer-in-charge P/Lt. Col. Willy Salazar sa isang press statement na naging matagumpay ang isinagawang plebisito da­hil ginawa ito sa isang mapayapa at maayos na paraan.

Noong May 26, 2021, nilagdaan ang noon ay Pangulong Rodrigo Du­terte ang Republic Act 11544 for sa conversion ng Calaca patungo sa isang component city.

Ang Calaca na mata­tagpuan may 116 km mula sa Maynila, ay dating­ baryo at bahagi ng Balayan bago ito opisyal na ginawang bayan noong May 10, 1835.

Ayon sa census noong 2020, ang Calaca ay may populasyon na 87,361 ka­tao, at may sukat na 114.58 km kuwadrado.

Sinabi ni Mayor Ona na mas mabilis na nga­yong mararamdaman ang pag-unlad ng Calaca dahil isa na itong ganap na lungsod.

vuukle comment

CALACA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with