^

Probinsiya

Davao vlogger timbog nang mag-'ligo challenge' habang nagmomotor

James Relativo - Philstar.com
Davao vlogger timbog nang mag-'ligo challenge' habang nagmomotor
Litrato ng suspek na si Norme Garcia habang ginagawa ang "ligo challenge" kasabay ng pagmamaneho ng motorsiklo, bagay na labag sa batas
Released/Highway Patrol Group

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan ngayon ang isang online influencer mula sa rehiyon ng Davao matapos makisakay sa "ligo challenge" para sa isang video content online — ang problema, ginawa niya 'yan habang nakasakay sa motorsiklo na siyang labag sa batas.

Tumutukoy ang "ligo" challenge sa isang trend sa mga social media kung saan naliligo ang mga tao habang may ginagawang iba.

"An investigation went underway as HPG XI Regional Chief PCol Jomaira B. Estrada submitted their recommendation concerning the viral video of social media influencer Norme Garcia doing the 'Ligo Challenge' while driving her motorcycle," ayon sa paskil ng Facebook page ng Land Transportation Officer (LTO) Enforcer XI Matalim, Martes.

"LTO XI Regional Director Neil M. Canedo sent to investigate Regional Law Enforcement Section Head Thomas Edward Roales along with his Team Leaders to probe into the matter."

Ayon sa LTO, nakikipag-ugnayan naman ang inirereklamo at humingi na ng tawad bago pa magsimula ang imbestigasyon.

Nagtungo na rin ang team sa pinangyarihan ng krimen at nahanap ang kalsada na isang barangay road daw patungo sa isa pang baranggay.

"The influencer was informed of her violations and awaits administrative sanctions after the exhaustion of the legal process," dagdag pa ng LTO.

Ayon sa Highway Patrol Group, mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa ng ganitong klaseng content o vlog: "Ito ay maituturing na Reckless Driving sa ilalim ng RA No. 4136,  Driving without Helmet sa RA No. 10054 at Distracted Driving sa RA No. 10913 na may karampatang parusa at multa,  bukod pa sa maaaring pagkansela ng lisensya," wika ng HPG.

Ayon naman kay Garcia nitong Miyerkules, nais niyang tapusin ang lahat sa pribadong setting bago magpaskil ng kahit na ano patungkol sa kaso.

Pinasalamatan din ng content creator ang lahat ng sumusuporta sa kanya sa ngayon sa kabila ng pinagdadaanan.

"I’m really willing to face any consequences about my actions kaya naki pag cooperate ako sa mga HPG and LTO," ani Norme.

DAVAO

HIGHWAY PATROL GROUP

LAND TRANSPORTATION OFFICE

RECKLESS DRIVING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with