^

Probinsiya

COED naglayas, natagpuang patay sa ilog!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

Matapos makagalitan ng magulang

MARILAO, Bulacan, Philippines — Patay na nang matagpuan habang palutang-lutang sa ilog ang isang dalagang estudyante na naglayas makaraang ma­kagalitan ng magulang, kamakalawa ng umaga sa Brgy. Nagbalon ng bayang ito.

Kinilala ng Marilao Police ang biktima na si Julliana Marie Pansacula Billiones, 20-anyos, 1st year college student at residente ng Brgy. Saog, Marilao, Bulacan.

Sa report ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ni Billiones ban­dang alas-8:00 ng umaga noong Sa­bado, sa Ma­rilao-Mey­cauayan-Obando River, sakop ng Brgy. Nag­balon.

Nauna rito, dumulog­ ang isang ginang sa him­pilan ng pulisya bandang alas-11:30 ng gabi noong­ Biyernes, upang humingi ng tulong para mahanap ang kanyang anak. Aniya, lu­mayas ang anak matapos silang mag­­kasagutan noong Huwe­bes ng gabi at hindi na nakabalik.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bandang alas-9:00 ng umaga ng Sabado, isang tawag ang natanggap ng pulisya na may natagpuang bangkay na nakalutang sa na­tu­rang ilog.

Agad tumulak ang mga pulis sa lugar para beripikahin ang im­por­mas­yon hanggang sa tumam­bad sa kanila ang bangkay na tumugma sa damit na suot ng baba­eng nawa­wala.

Dahil dito, ipinagbi­gay-alam sa pamilya ang naturang impormasyon at nang dumating ang ina ay kinumpirma na ito ang kanyang anak.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na sa tuwing napapagalitan ng kanyang mga magulang ay nagtatangka umanong magpakamatay ang biktima.

vuukle comment

MARILAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with