Big-time drug dealer sa Bulacan nalambat sa higit P3 milyong shabu
MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines — Naaresto ang isa umanong big-time na tulak ng droga matapos makumpiskahan ng mahigit P.3-milyong halaga ng shabu sa isinagawang drug bust operation ng awtoridad sa Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan kamakalawa.
Kinilala ni P/Col. Charlie Cabradilla, Bulacan police director ang naarestong suspek na si George Orquiola ng Brgy. Taal, Bocaue, Bulacan.
Sa ulat, dakong alas-2:10 ng madaling araw nang maglatag ng buy-bust operation ang mga otoridad laban sa suspek na sinasabing big-time drug dealer sa nasabing lugar.
Hindi na nagawang manlaban ng suspek nang makorner siya ng mga pulis sa harap ng palengke ng Bocaue.
Nasamsam sa suspek ang dalawang plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 50 gramo na nagkakahalaga ng P340,000, shabu paraphernalia at buy-bust money.
- Latest