7 drug suspects timbog sa P1.3 milyong shabu at 2 baril
CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines — Pitong drug suspects ang naaresto sa dalawang anti-drug operation sa lalawigan ng Bataan at Pampanga at nakumpiska ang nasa P1.3 milyon halaga ng shabu.
Sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Matthew Baccay, regional police director ng Central Luzon, kinilala ang mga naaresto sa Barangay Villa Angeles Orion, Bataan na sina John Kevin Manla; Jayson Paguio; Jerry Monla; Mateo Aquimo at Jiezl Angeles at nakumpiska sa kanila ang nasa 50 gramo na pinaghihinalaang shabu na may street value na P400,000, isang .45 caliber pistol at .22 caliber revolver.
Samantala, naaresto rin sina Jemaimah Datu, alias Mai-mai at Sadam Bertudam alias Muslim/Kuya sa isang entrapment operation sa Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga at nakumpiska sa kanila ang nasa 130 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may street value na P884,000!; isang digital weighing scale; at Android cellphone.
- Latest