^

Probinsiya

Tumakas na preso sa Cavite, napatay sa Laguna

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Tumakas na preso sa Cavite, napatay sa Laguna
Ayon kay Col. Cecilio Ison Jr. Laguna police director, ang tumakas na si Jeffrey Ochoa, ay naharang ng binuong tracking team ng pulisya sa Sitio Bougavilla, Barangay Bubukal, Santa Cruz, Laguna.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang preso ang nakatakas sa kanyang bantay sa Cavite noong Lunes ang napatay sa engkuwentro ng mga pulis sa Sta. Cruz, Laguna.

Ayon kay Col. Cecilio Ison Jr. Laguna police director, ang tumakas na si Jeffrey Ochoa, ay naharang ng binuong tracking team ng pulisya sa Sitio Bougavilla, Barangay Bubukal, Santa Cruz, Laguna.

Sa halip umanong sumuko ay binunot nito ang kanyang maikling baril at binaril ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek na dinala sa Laguna Medical Center Hospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Bago ang naganap na shootout, ang suspek ay nahaharap sa kasong qualified theft at natakasan nito ang kanyang guwardya na si John Michael Ferrera nang hambalusin nito ng matigas na bagay sa mukha habang sakay ng isang Toyota Vios sa kahabaan ng  Governors Drive, Barangay Aliang, Trece Martires City, Cavite noong Lunes ng gabi.

Bumaba ito ng sasakyan at kinomander ang isang motorsiklo na ginamit nito sa pagtakas sa direksyon ng Gen. Trias City.

vuukle comment

PRESO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with