^

Probinsiya

Kelot binoga ng shotgun ng biyenang hilaw, todas

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang 45-anyos na lalaki makaraang barilin sa dibdib ng nakaalitan nitong biyenang hilaw kamakalawa ng hapon sa Garnet St., Stone Gate Subdivision, Barangay Domoit sa lungsod na ito.

Base sa ulat ni PLt. Col. Reynaldo Reyes, chief of police dito, nakilala ang biktima na si Mark Erick Fajardo, habang naaresto naman ang suspek na si Leandro Saguero, 70, contractor /foreman at ama ng live in partner ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo,ala-1:30 ng hapon sa pagitan ng suspek at biktima habang sila ay nasa kusina ng bahay.

Maya-maya ay itinutok ng suspek sa biktima ang hawak nitong improvised 12 gauge shot gun saka binaril na tumama lahat sa dibdib nito.

Naaresto at nakapiit na sa lock up jail ang suspek kasabay ng patuloy na imbestigasyon sa ugat ng krimen.

vuukle comment

SHOTGUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with