^

Probinsiya

4 minasaker habang nakagapos, bangkay nagkalat sa daan

Pilipino Star Ngayon
4 minasaker habang nakagapos, bangkay nagkalat sa daan
Ayon sa Villanueva Police, ang apat na biktima ay nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan sanhi ng kanilang agarang kamata­yan. Sa imbestigasyon, natagpuan ang katawan ng mga biktima bandang alas-4 ng madaling araw nitong Linggo.
STAR/ File

CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng apat na katao kabilang ang isang menor-de-edad matapos matagpuang tadtad ng tama ng baril sa katawan habang nagkalat na nakahandusay sa kalsada sa Purok 9, Barangay Imelda, Villanueva, Mi­samis Oriental, kahapon ng madaling-araw.

Habang sinusulat ang ulat na ito, sinabi ng pulisya na kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga biktima na lahat ay lalaki at dead-on-the-spot sa lugar.

Tatlo sa mga biktima ay tinatayang nagkaka-edad sa pagitan ng 20 hanggang 35 habang ang isang menor-de-edad ay ‘di pa rin madetermina ang gulang.

Ayon sa Villanueva Police, ang apat na biktima ay nagtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan sanhi ng kanilang agarang kamata­yan. Sa imbestigasyon, natagpuan ang katawan ng mga biktima bandang alas-4 ng madaling araw nitong Linggo.

Ayon sa testigo na mi­yembro ng task force sa Villanueva, nagmamaneho siya ng kanyang motorsiklo pauwi sa Sitio Loking sa Brgy. Dayawan, nang maispatan ang isang tao na nakahandusay sa daan. Agad siyang humingi ng tulong at nang kanilang balikan ang lugar ay nakita rin ang tatlo pang katawan na nakahandusay.

Ang mga biktima ay kapwa may tali ng wire sa mga kamay habang ang kanilang bibig ay may takip na duct tape.

Narekober ng mga imbestigador sa lugar ang limang .45 caliber 39mm fired cartridges.

DAYAWAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with