No. 1 ‘most wanted’ sa Lucena, timbog
LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Nalambat ang isang binata na itinuturing na numero uno sa talaan ng mga Most Wanted Persons (MWPs) sa lungsod na ito dahil sa panggagahasa sa isang babae, kamakalawa.
Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Reynlado Reyes, hepe ng pulisya rito, dakong alas-5 ng hapon nitong Martes nang masakote ang suspek na si Leandro Joseph Pabelonia, 34-anyos, ng pinagsanib na operasyon ng Lucena at Lipa City Police sa Gen. Luna Street, Brgy. Sabang, Lipa City.
Base sa ulat ng pulisya, nabatid na ang menor-de-edad na biktima na itinago sa pangalang Mara ay ginahasa ng suspek noong 2017.
Dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC Branch 15 ng Lucena City kaugnay sa kinasasangkutan nitong 2 counts na kasong paglabag sa R.A. 7610 at rape.
- Latest


















