^

Probinsiya

NCIP Cordillera exec sinibak ng Ombudsman

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Tinanggal sa serbisyo ng Office of the Ombudsman ang isang mataas na opisyal ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Cordillera matapos na mapatunayang “guilty” sa “grave misconduct” base sa reklamo ng IPs (Indigenoues Peoples) representative.

Sa 16-pahinang ru­ling, si dating NCIP-CAR Regional Director Roland Calde na kasalukuyang regional director ng NCIP Region III ay dinismis sa serbisyo na may kanselasyon sa kanyang eligility, tinanggalan ng benepisyo at diskuwalipikado na sa pagbabalik sa anumang trabaho sa gobyerno.

Ibinasura naman ng Ombudsman ang reklamo na “conduct prejudicial to the interest of the government” laban kay Calde dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.

Ang desisyon ng Ombudsman ay base sa inihaing mga kasong “grave abuse of authority, grave misconduct, at ignorance of the law” ng isang Roger Sinot na tumayong Indigenous Peoples Mandatory Representative (IPMR) ng Baguio City nang si Calde pa ang NCIP regional director noong Hunyo 2017.

Kabilang din sa sinampahan ng kaparehong mga kaso si NCIP Itogon Community Development Officer (CDO) III Abilene Andres Cirilo pero na-dismiss ang charges laban sa kanya dahil sa “lack of evidence”.

Sa unang reklamo ni Sinot, sinabi nito na tumanggi si Calde na mag-isyu ng Certificate of Affirmation para sa kanya upang makakuha siya ng puwesto bilang IPMR sa Baguio City Council.  Aniya, hindi naglabas si Calde ng certificate dahil sa diskriminasyon habang binigyan nito ng pabor ang ibang grupo ng mga IPs.

Inireklamo rin ni Sinot si Calde ng administratibo dahil sa umano’y pamamahiya at pagkuwestyon sa kanyang voter’s registration at identification sa Baguio City Council.

Sa kanyang ikalawang reklamo, sinabi ni Sinot na siya ang pinili ng Indigenous Cultural Community (ICC) at IPs ng Baguio para maging IPMR nila sa lungsod subalit isang protest letter na umano’y gawa ni Cirilo at sinasabing may basbas ni Calde ang ni­lagdaan ng 9 sa 25 miyembro ng IP Council of Elders (COEIs), ang pinalutang sa NCIP.

NCIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with