Drug rehab center sa Cavite, binuksan na
MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Interior and Local Government (DILG) na binuksan na ang isang bagong Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Barangay Osorio, Trece Martires City, Cavite.
Ang naturang limang hektaryang 480-bed capacity ang siyang umaasiste sa drug dependents at nagbibigay ng agarang interbensiyon patungo sa rehabilitasyon.
“Our journey towards bringing our illegal drug dependent kababayans closer to reintegration and recovery is now closer to reality with this five-hectare DATRC here in Cavite. This is another part of the Duterte Legacy that has truly impacted the lives of our fellow Filipinos,” ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.
Bilang chairman ng DATRC Inter-Agency Task Force, pinasalamatan niya si Pang. Rodrigo Duterte dahil sa kanyang matibay na paninindigan na tuldukan ang problema sa illegal na droga sa bansa, na nagbigay-daan sa mga inobasyon gaya ng DATRC at sa Community-based Drug Rehabilitation Program (CBDRP), na tumutulong sa illegal drug dependents patungo sa reintegrasyon at paggaling.
Nabatid na ang newly constructed DATRC ay bahagi ng P846-milyong program grant ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na tinatawag na “Consolidated Rehabilitation of Illegal Drug Users” (CARE), na batay sa Japan-Philippines Joint Statement on Bilateral Cooperation upang labanan ang illegal drugs.
Nakatayo ito sa limang hektaryang lupa na idinonate ng Cavite Provincial Government.
Kaya nitong i-accommodate ang may 400 lalaki at 80 babaeng pasyente mula sa South at Central Luzon, na may high-risk drug dependence at handang sumailalim sa gamutan at rehabilitasyon sa isang in-patient facility.
- Latest