^

Probinsiya

Mga ilegal na sugalan at peryahansa Antipolo City, binaklas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsanib-pwersang pinagbabaklas ng mga tauhan ng Office of Public Safety and Security at Disaster Risk Reduction and Management Office ng Antipolo City, Rizal ang mga nagsulputang iligal na peryahan at sugalan sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo City.

Ayon kay Antipolo Mayor Andeng Ynares, bukod sa walang permit ang pagpapatayo ng perya at sugalan sa kalsada ay halos abot na rin nito ang mga kawad ng mga kuryente kaya’t binaklas ang mga ito.

Maliban dito, inalis din ang mga rides tulad ng ferris wheel na hindi pasok sa safety standard na pwedeng pagmulan ng aksidente.

Paliwanag ng LGU, pinaluwag nila ang mga kalsada para maging mas maginhawa para sa mga motorista.

Nagbabala naman ang LGU sa mga operator ng lahat ng mga iligal na peryahan na kusa nang magbaklas ng kanilang pasilidad at huwag nang hintayin na ang mga otoridad ang magsagawa ng pagbabaklas.

PERYAHAN

SUGALAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with