^

Probinsiya

2 Indian hinoldap na, binaril pa sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 Indian hinoldap na, binaril pa sa Rizal
Kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas sa ‘di natukoy na pagamutan ang mga biktimang nakilala lang na sina Hardeep Singh at Jai­deep Singh-Gill dahil sa tinamong mga tama ng bala sa kanilang katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dalawang Indian national ang sugatan nang holdapin at barilin ng isang armadong lalaki sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas sa ‘di natukoy na pagamutan ang mga biktimang nakilala lang na sina Hardeep Singh at Jai­deep Singh-Gill dahil sa tinamong mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Samantala, nakatakas ang suspek na inilarawan lamang na may taas na 5’4” at nakasuot ng pulang t-shirt.  Bigo ang mga testigo na makilala ang salarin dahil sa suot nitong itim na helmet.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police, alas-10:10 ng umaga, kasalukuyan umanong naniningil ng pautang ang mga biktima sa Burma St., Blk 23, Purok 8, Floodway B, Bagong Pag-Asa, Brgy. Santa Ana nang lapitan sila ng salarin, tutukan ng baril at holdapin.

Hindi pa nasiyahan, binaril pa ng suspek ang mga biktima bago mabilis na tumakas tangay ang kanilang pera.

Kaagad namang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mga biktima upang malunasan.

vuukle comment

HOLDUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with