Lucena, ‘Best City Police Station’
LUCENA CITY, Philippines — Tinanghal ang Lucena bilang “Best City Police Station” ang Quezon Police Provincial Office ngayong taon.
Personal na tinanggap ni Lucena City Police chief PLt. Col. Reynaldo Reyes ang sertipiko ng pagkilala sa isinagawang programa sa Camp BGen Guillermo Nakar sa lungsod kamakalawa.
Ayon kay Quezon Provincial Police Office director P/Col. Joel Villanueva, ito ay tanda ng huwarang pagganap ng nasabing police station sa isinakatuparang Unit Performance Evaluation Rating para sa panahon ng May 22, 2021 hanggang May 22 ng kasalukuyang taon.
Nakatanggap din ang ang nasabing police station ng pagkilala para sa mahusay na paggawa para sa “Operational Accomplishments”.
Nangunguna ang LCPNP sa mga anti-drug operations at panlalambat sa mga Most Wanted Person’s (MWP).
Sila rin ang primera sa lalawigan sa maayos na pagpapatupad ng police community relations at pagpapataas ng moral recovery programs para sa mga dating adik sa iligal na droga sa pakikipagtulungan ng City Anti-Drug Abuse Council (CADAC).
- Latest