^

Probinsiya

OEDC nagpaliwanag sa mataas na singil sa kuryente sa Olongapo

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
OEDC nagpaliwanag sa mataas na singil sa kuryente sa Olongapo
Sa kanilang inilabas na paliwanag, sinabi ng OEDC na ang pagtataas ng presyo per kWh ng kur­yente ay dahil sa generation at transmission charges na pass-through charges o sinisingil lamang ng kanilang kumpanya at ibinabayad ng buo sa San Miguel Energy Corporation (SMEC) at Wholesale Electricity Spot Market (WESM) para sa supply at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para naman sa pag-transmit ng kuryente.
File

OLONGAPO CITY, Philippines — Nagpaliwanag na ang pamunuan ng Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC) sa publiko kaugnay sa mga reklamo na umano’y mataas na singil sa kuryente sa lungsod na ito.

Sa kanilang inilabas na paliwanag, sinabi ng OEDC na ang pagtataas ng presyo per kWh ng kur­yente ay dahil sa generation at transmission charges na pass-through charges o sinisingil lamang ng kanilang kumpanya at ibinabayad ng buo sa San Miguel Energy Corporation (SMEC) at Wholesale Electricity Spot Market (WESM) para sa supply at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para naman sa pag-transmit ng kuryente.

Habang ang pagtaas naman ng generation at transmission rates ay hindi kinakailangang dumaan umano sa isang public hearing dahil may recovery mechanism na itinakda umano ang Energy Regulatory Commission (ERC) alinsunod sa Resolution No. 16, Series of 2009.

Gayunman, magkakaroon lamang umano ng public hearing kung may application ang OEDC para sa rate adjustment ng distribution charge.

Pagdating naman umano sa Universal Charge, ito ay sinisingil ng lahat ng distribution utilities at electric cooperatives sa buong bansa alinsunod sa Section 34 ng EPIRA Law na direktang ibinabayad sa Power Sector Assets and Liabilities (PSALM).

At ang System Loss Charge naman ay ang  halaga ng kuryenteng nawawala dahil sa technical losses at non-technical losses na maaari lamang kolektahin ng isang distribution utility at hindi  dapat somobra sa itinakda ng ERC alinsunod sa RA 7832, Section 10.

vuukle comment

ELECTRIC BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with