^

Probinsiya

Kotse, bumangga sa likod ng nakaparadang truck; 2 dedbol

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi habang isa pa ang sugatan nang sumalpok ang isang kotse sa likuran ng nakaparadang truck sa General Santos City.

Sa naantalang ulat ng pulisya, sinabing nangyari ang sakuna noong Linggo,alas-7:00 ng gabi sa national highway sa bahagi ng Barangay Sinawal.

Nasawi ang 30-anyos na driver ng kotse, at sakay nito na 17-anyos. Bahagya naman nasugatan ang isa pang sakay nito na 17-anyos din.Magkakamag-anak umano ang tatlong sakay ng kotse na pawang residente sa nasabing lungsod.

Ayon sa Traffic Enforcement Unit (TEU) ng General Santos City Police Office (GSCPO), sinabi ng 30-anyos na driver ng truck na tumigil sila sa gilid ng daan matapos magkaroon ng aberya ang kanilang sasakyan.

Pero habang inaayos umano nila ang problema sa truck, sumalpok na lang bigla sa likod ang kotse.

“According sa driver,napatigil sila doon dahil medyo nagkadiperensya raw yung preno ng sasakyan. Habang inaayos nila, nagulat na lang sila nang may bumangga na kotse sa likod ng kanilang 10-wheeler truck,” ayon kay TEU-GSCPO Chief, Lieutenant Colonel Joel Fuerte.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang dahilan ng sakuna pero may nakalagay umanong early warning device sa lugar.

“Then ‘yun ang pinagtataka natin, bakit ‘yung early warning device ay hindi naman nabangga. Meron ding posiblilidad na ang driver ay wala sa kondisyon, bakit siya nabangga doon, wala sa focus, inaantok or whatsoever, possible, nakainom din,” paliwanag niya sa mga titingnan sa imbestigasyon.

Nagkausap at nagkaroon na umano ng pagkakasundo ang pamilya ng mga biktima at driver ng truck.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with