^

Probinsiya

‘Ang Probinsyano’ tumulong sa mga biktima ng gumuhong tulay sa Bohol

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na inayudahan ng “Number 50 Ang Probinsyano Party-list” ang mga pamilya at biktima sa pagguho ng isang tulay sa Loay, Bohol na ikinasawi ng apat at ikinasugat ng 31 pang katao nitong Abril 27.

Pinangunahan ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Edward Delos Santos ang pagdalaw nitong Sabado (Abril 30) sa pamilya ng isa sa nasawing si Arniel Cilos, isang tourist driver matapos ang insidente at agad siyang nag-alok ng burial assistance at scholarship para sa tatlong anak na naulila.

Hindi naman naitago ni Maricel, misis ni Arniel, ang matinding panlulumo sa pagkasawi ng huli sa naturang trahedya.

Nabatid na habang nagmamaneho si Arniel at tinatawid ang Clarin bridge nang bumigay ito sanhi upang 11 pang sasakyan ang nahulog sa ilog.

Ang Number 50 Ang Probinsyano Party-List, na nagkataong nagsagawa ng campaign sorties sa Cebu at Bohol nitong linggo ay nakiramay na sa pamilya-Cilos.

Dagdag ng mambabatas, malapit sa puso ng Number 50 Ang Probinsyano Partylist ang Bohol na ilang beses nang nakaranas ng iba’t ibang pagsubok at kalamidad kabilang ang bagyong Odette nitong Disyembre.

“Apart from our relief drive in times of calamities, we have established several tou­rism projects in Bohol to boost economic activity in the province,” aniya.

Bukod sa pamilya Cilos, nabigyan rin ng Number 50 Ang Pro­binsyano Party-List ng financial assistance ang anak na babae ng isa pang casualty sa pagguho ng tulay na si Emilia Gemina, ng Brgy. Villalimpia, Loay.

Kasama ni Gemina ang kanyang apo ay nagtamo rin ng mga sugat at nagkaroon ng trauma nang maganap ang insidente.

vuukle comment

PARTY LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with