Pinsala sa agrikultura ni ‘Agaton’, P2.8 bilyon na
MANILA, Philippines — Umabot na kahapon sa P2.8 bilyon ang halagang pinsala ng bagyong Agaton sa agrikultura.
Sa huling ulat ng Department of Agriculture (DA), ang naturang halaga ng pinsala sa agrikultura ay sumasakop sa total volume loss na 89,093 metric tons (MT) ng mga pananim at may kabuuang 64,525 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.
Naitala na may kabuuang 31,645 ektarya ng lupang sakahan ang napinsala ng bagyong Agaton.
Ayon sa DA, ang mga palayan ang higit na napinsala ng bagyo na may kabuuang volume loss na 73,484 MT o may halagang P1.3 bilyon, sinundan ng high-value crops lalo na ng mga gulay, cacao, prutas at logging na may volume loss na 13,573 MT at may halagang P296.7 milyon.
Nasira rin ang mga maisan na may 2,036 MT volume loss at may halagang P53.6 milyon.
May kabuuan namang 78,732 piraso ng livestock at poultry lalo na ng mga manok, baboy, kalabaw, gansa, kambing, kabayo at turkey ang nangamatay sa bagyo na may volume loss na P40.9 milyon.
- Latest