^

Probinsiya

Laguna candidates binanatan sa malaswang viral dance video

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinalampag ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ang kumakalat na viral video na mapapanood ang mga lokal na kandidato sa Laguna na naupo sa ibabaw ng isang babae sa campaign rally sa Laguna.

Sa nasabing video, ang 6Cycled vocalist at sina Cabuyao Councilor Tuttu Caringal at Calamba City Timmy Chipeco ay nakitang umupo sa isang babaeng supporter sa isang campaign rally.

Bukod dito, tinanggal din ni Caringal ang face mask ng nasabing babae habang ginagawa umano ang malaswang eksena sa kampanya.

“Kahit sabihin na masaya ang pagtanggap ng mga dumalo sa pangyayari, iba ang pahiwatig ng video ng campaign rally nila. Hindi dapat gawing normal ang pagpapakandong sa kababaihan ng mga gustong umupo sa poder ng kapangyarihan,” ayon kay Brosas.

“This is a distasteful display of women’s subjugation to men in power supposedly for entertainment purposes -- when acts with sexual insinuation should not be a material for fun. This contributes to the normalization of sexual harassment,” giit ng kongresista.

Noong 2016 polls, binanatan din ni Brosas ang umano’y malalaswang pagsasayaw ng mga sexy dancers sa entablado sa political campaign sortie ng isang presidential candidate sa Laguna.

GABRIELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with