^

Probinsiya

Babaeng online seller dumayo pa sa pagtutulak ng droga, arestado

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang babaeng online seller na dumayo pa para magbenta ng ­ilegal na droga, sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Roque ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng pulisya rito, ang naarestong suspek na si Shiela Oftana, alyas “She”, 40-anyos, isang online seller at taga North Bay Boulevard, Barangay Stp. Niño, Navotas City.

Ayon sa pulisya, natiyempuhan ng sanib-puwersa ng drug enforcement team ng Gapan City Police at ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek mag-aalas-10 ng gabi sa nasabing barangay.

Gamit ang isang P1,000 “marked money” at 11-piraso ng P1,000 boodle money ay binentahan umano ng baba­eng suspect ang police poseur buyer ng isang medium size plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Dahil dito, agad na inaresto ang babae at nang kapkapan ay may nakuha pa sa kanya na 16 sachet ng umano’y shabu na tumitimbang ng 7.50 gramo at nagkakahalaga ng P51,000.

vuukle comment

ONLINE SELLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with