^

Probinsiya

Pulis official na sangkot sa pagpatay sa aide ni Glenn Chong, sumuko

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pulis official na sangkot sa pagpatay sa aide ni Glenn Chong, sumuko
Senatorial aspirant Glenn Chong raising his fist in an undated photo.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kusang-loob nang sumuko sa mga otoridad ang isang police official na isinasangkot sa kasong pagpatay sa aide ni dating Biliran Rep. Glenn Chong at babaeng kasama nito sa Cainta noong taong 2018.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), dakong alas-8:30 ng umaga kamakalawa, Pebrero 28, 2022, nang boluntaryong magtungo sa tanggapan ng Warrant and Subpoena Section si P/Capt. Sandro Ortega, na dating deputy chief of police ng Cainta Municipal Police Station.

Nabatid na si Ortega ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Acting Presiding Judge Miguel Asuncion ng Antipolo City Regional Trial Court (RTC), Branch 99 noon pang Enero 31, 2020 dahil sa kasong 2-counts of murder.

Matatandaang si Ortega ay kabilang sa 20 pulis na sinampahan ng kasong murder ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) dahil sa umano’y pagpatay kina ­Richard Santillan, driver bodyguard ni Chong at kasamang babae na si Gessamyn Casing noong Disyembre 2018 sa Brgy. San Andres sa Cainta.

Wala namang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni Ortega.

GLENN CHONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with