^

Probinsiya

2 kasapi ng drug group natimbog sa buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TIAONG, Quezon, Philippines — Aabot sa mahigit P400,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa dalawang sinasabing miyembro ng drug group, isa rito ay babae makaraang isagawa ang anti-drug operation sa dalawang barangay kamakalawa ng madaling araw.

Ayon Kay P/Lt. Col. Cabatana, chief of police dito, magkasunod na isinagawa ng Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) ang buy-bust ­operation sa Villa Consolacion Subdivision, Barangay Lusacan at Sitio Kapihan, Barangay Lumingon.

Unang nalambat dakong alas-9:40 ng umaga si Venson Musico Luna alyas “Agong”, 28, habang ala-1:40 ng madaling araw nang masakote ang babaeng miyembro umano ng “Reynante Carandang Mitra drug group” na si May Mamatic Naredo, 28.

Umaabot sa 20.60 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P420,648.00 ang nakumpiska mula sa dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165.

vuukle comment

CABATANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with