^

Probinsiya

Furniture agent, utas sa negosyante

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

STA. ROSA, Nueva Ecija , Philippines —  Patay ang isang ahente ng furniture nang pagbabarilin ng isang negosyante makaraan umanong magtalo ang dalawa sa may Lucero St., Purok 4 ng Brgy. San Isidro sa bayang ito, kamakalawa.

Kinilala ni P/Major Fortune Dianne Bernardo, hepe ng pulisya rito, ang nasawing bik­tima na si Bryan Reyes, furniture agent ng Brgy. Soledad ng nasabi ring bayan habang pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na nakilalang si Nunilon Palilio, 37.

Sa ulat, alas-12:15 ng tanghali, nakita ng ilang residente sa lugar na nag-uusap pa ang biktima at suspek ngunit hindi umano nila batid kung nag-aaway ang da­lawa hanggang sa umuwi na umano ang suspek ng kanyang bahay.

Pagkalipas ng 5-mi­nuto, nagbalik ang suspek at doon na pinagbabaril ang biktima gamit ang hindi pa batid na kalibre ng baril at agad sumakay sa isang tricycle ang suspek at tumakas sa kanyang ginawang pagpatay.

May dating alitan umano ang dalawa na siya ngayong masusing­ tinitingnan ng pulisya sa kaso. 

vuukle comment

REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with