^

Probinsiya

Umawat sa away ng kapitbahay, napatay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE ,Philippines — Dahil sa pag-awat sa nag-aaway na mga kapitbahay, hindi na umabot pa ng Bagong Taon ang isang mister nang pagbalingan siyang pagsasaksakin ng icepick ng isang mag-ama ka­makalawa ng gabi sa Brgy. San Dionisio, lungsod ng Dasmariñas.

Tadtad ng saksak sa katawan na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan ang biktima na nakilalang si Smith Jones Aguilar, nasa hustong gulang.

Naaresto naman ang mga suspek na sina Charvie Jake at Richard Picayo, kapwa residente ng Blk. 5. Brgy. San Dionisio ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Wilson Tajanlangit, dakong alas-8:30 ng gabi habang naglalakad ang mag-amang suspek na kapwa nakainom nang madaanan nila ang kapitbahay nilang si Raymond Polo at sa hindi malamang dahilan agad ay siyang hinataw ng bitbit na baseball ni Charvie habang sinuntok naman ng isa pang suspek ang isa pang kapitbahay na si Jomar Kasal.

Dito na nagkaroon ng rambulan hanggang sa pumagitna ang biktima upang umawat subalit siya pinagbalingan ng mga suspek at inundayan ng sunud-sunod na saksak gamit ang icepick.

Duguang bumagsak ang biktima na agad naitakbo sa Pagamutan ng Dasmariñas subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor.

Naaresto naman ang mag-amang suspek  ng mga rumespondeng barangay officials at ipinasa sa pulisya.

vuukle comment

POLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with