Buntis, 2 pang rebelde sumuko

FORT RAMON MAGSAYSAY, Nueva Ecija , Philippines — Masayang tinanggap ng 7th Infantry (Kaugnay) Division ng Philippine Army ang pagbabalik-loob sa pamahalaan ng tatlong miyembro ng New People’s Army kabilang ang isang buntis kamakalawa.
Ikinagalak ni Major General Andrew Costelo, commander ng 7ID, na bago anya magpalit ng taon ay sumuko sa 70th Infantry (Matapat at Matatag) Brigade ang tatlong miyembro ng Sandatahang Yunit Propaganda Platun, Lino Blas command, KLG West.
Sa ginanap na press conference nitong Disyembre 29 sa 7ID Headquarters dito, iprinisinta ni Col. Joseph Norwin Pasamonte, commander ng 703rd Infantry (Agila) Brigade, ang mga sumuko na sina Ramer Gacola alyas “Ivar/Darmo” na isang commanding officer, kasama ang kanyang buntis na misis na si Julie Ann Castillo alyas “Eva/Jai”, medical officer at isang Lester Paulo Advincula alias “Jin”, political guide umano ng grupo.
- Latest

















