Congresswoman Silverio ‘panalo’ na sa Bulacan
Katunggali idineklarang ‘nuisance’ ng Comelec
SAN RAFAEL, Bulacan, Philippines — Hindi pa man nagaganap ang halalan, tiyak na ang pagkapanalo ni Congresswoman Lorna Silverio matapos na ideklara ng Commission on Elections (Comelec) na “nuisance” ang kanyang makakatunggali sa May 2022 elections.
Nabatid na panghuling termino na ni Silverio bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Bulacan kapag tinanghal ang pagkapanalo nito sa halalan sa Mayo.
Matatandaan na nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy si Alvin John “Calvin” V. De Leon bilang kina1awan ng ikatlong distrito ng Bulacan para sa May 9, 2022 national at local elections ngunit noong araw ng substitution of candidates, siya ay pinalitan ng isang Jesus Yambao Viceo.
Sa desisyon na inilabas ng Comelec, nakasaad na “Declared Nuissance Candidate” si De Leon kaya magiging “invalid” ang naganap na substitution ni Viceo.
Dahil dito, wala na umanong makakalaban si Silverio sa kanyang pagtahak sa huli at ikatlong termino ng paglilingkod bilang kinatawan ng 3rd district ng Bulacan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Laking pasasalamat naman ni Silverio dahil maipagpapatuloy na niya umano na mas mapaunlad at mapayabong ang mga bayan na sakop ng ikatlong distrito, ang San Ildefonso, San Miguel, San Rafael, at Doña Remedios Trinidad.
- Latest