2 high value target sa Cavite, arestado
CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang dalawang hinihinalang bigtime drug pusher na nasa high value target (HVT) list sa lalawigang ito matapos mahulog sa ikinasang anti-drug operation kamakalawa sa Brgy. H2, lungsod ng Dasmariñas.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jalal Batuwas Imam alias “Zainal” at Jamilah Dida-Agun Binatara alias “Jamilah”; kapwa residente ng Brgy H2, Dasmariñas City, Cavite. Sa ulat mula sa Cavite Provincial Police Office, alas-5:20 ng hapon nang maglatag ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng Cavite PPO-Drug Enforcement Unit at Dasmariñas Police laban sa dalawang suspek.
Matagal na umanong minamatyagan ng grupo ang mga suspek at matapos ang may ilang araw na surveilance ay ikinasa ang buy-bust. Narekober sa dalawa ang limang plastic sachet ng shabu na nasa 50 gramo at may halagang P345,000, at buy-bust money.
- Latest