^

Probinsiya

Groom na operator ng ‘online sabong’ itinumba

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Groom na operator ng âonline sabongâ itinumba
Isang bala ng cal. 5.56 ang tumama sa kanang bahagi ng dibdib ng negosyante na siyang naging dahilan ng pagkamatay nito.
STAR/ File

Kahit patay na, kasal itinuloy ng nobya

MALOLOS CITY, Philippines —  Isang master agent sa sikat na “online sabong” at nakatakda nang ikasal sa nobya ang napatay matapos barilin ng isang hindi pa nakikilalang sa­larin sa Brgy. Sumapang Matanda sa lungsod ng Bulacan noong Linggo ng hapon.

Sa ulat ni Lt. Col. Christopher Lean, Malolos City Police chief kay Col. Manuel Lukban, acting Bulacan provincial director, kinilala ang biktima na si Marco Luis Dayao, 29-anyos, binata at isang negosyante na nag-ooperate ng online sabong at naninirahan sa Happiness Pavillion, Brgy. Sumapang Ma­tanda, Malolos City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, dakong ala-1:30 ng hapon nang barilin ang biktima sa harap ng tinutuluyang apartment ng nag-iisang suspek na lulan ng pulang kotse.

Isang bala ng cal. 5.56 ang tumama sa kanang bahagi ng dibdib ng negosyante na siyang naging dahilan ng pagkamatay nito.

Batay sa nakuhang kopya ng closed-circuit television o CCTV footage sa kalapit na establisimyento ng pinangyarihan ng krimen, posibleng ang salarin ay lulan ng isang pulang Sedan na mabilis humaharurot mula sa parking area malapit sa inuupahang apartment ng biktima.

Dead-on-arrival ang biktima nang dalhin ito ng mga saksi sa Sacred Heart Hospital sa lungsod ng Malolos.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.

Sa kaugnay na balita, napalitan ng pangungulila ang dapat sanang masayang araw ni Gileen Gutierrez matapos ma­balitaang pinatay ang kanyang groom na si Dayao ng hindi pa naki­kilalang suspek.

Sa kabila nang pagkakabaril sa biktima, ipinilit ng nobya nito na si Gutierrez na matuloy ang kanilang kasal kung kaya’t naganap ang seremonya sa Father’s Cradle Memorial Chapel sa Siyudad ng Malolos kamakalawa ng hapon.

Ang kasal ng dalawa ay nakatakda sana sa Disyembre 19.

MANUEL LUKBAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with