^

Probinsiya

Notoryus na ‘tulak’ utas sa buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija, Philippines — Nasawi ang isang hinihinalang notoryus na tulak ng ilegal droga makaraang manlaban umano sa drug buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Cabisuculan ng lungsod na ito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Marlon Cudal, hepe ng pulisya rito, ang napatay na suspek na si Jerico Tud alyas “Ekong” ng Brgy. Bacal Tres, Talavera, NE.

Ayon sa ulat, dakong ala-1:20 ng madaling-araw nang ikasa ang buy-bust ng Intelligence operatives ng pulisya rito laban sa suspek. Habang ka-transaksyon ng poseur buyer ang suspek ay nakahalata umano ang huli na pulis ang kanyang kausap kaya bumunot ng baril at ipinutok sa operatiba.

Gayunman, sumablay umano ang suspek at dito na gumanti ng putok ang mga nakaposteng pulis sa lugar na agad ikinamatay ng suspek.

Nakuha sa suspek ang isang caliber .38 revolver na may 5-bala, isang sling bag na may laman na cellphone, marked money, 2.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P17,000 at isang kulay itim na Bajaj tricycle. 

vuukle comment

EKONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with