20 ex-drug addict nagtapos na sa rehab program
LUCENA CITY, Philippines — Nagsipagtapos na ang nasa 20 na mga Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) na kabilang sa bagong batch ng community based rehabilitation program na Kanlungan ng Pagbabago sa Lucena City kamakalawa.
Isinagawa ng Lucena City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) sa pangunguna ni Cadac Operations Head Francia Malabanan ang isang maikling seremonya ng pagtatapos para sa mga RPWUD.
Sumaksi sa aktibidad sina Philippine Drug Enforcement Agency Quezon (PDEA) staff Intelligence Officer 3 Reynaldo Benzon, PLt. Delilah Tapulayan ng Lucena PNP, gayundin ng ilang mga kagawad ng mga barangay kung saan naninirahan ang mga nagsipagtapos na RPWUDs.
Ang mga dating gumagamit ng ipinagbabawal na droga ay sumailalim sa 30-day-in-house program, kabilang na ang skills training gaya ng paggawa ng rug at dishwashing liquid,gayundin ang pagsasailalim sa iba’t-ibang mga modules, seminars, NC1 Shielded Metal Arc Welding sa ilalim ng TESDA Quezon at mga intervention katulad ng spiritual, psychological at mga physical activities.Ayon kay Francia Malabanan,Lucena City Drug Abuse Council (CADAC) head, ang nasabing pagtatapos ay bunga ng pagsusumikap ng mga nakilahok na makapag-bagong buhay mula sa kanilang masamang gawain noon na dulot ng ilegal na droga.
- Latest