2 magsasaka itinumba sa sakahan
MLANG, North Cotabato, Philippines — Nadiligan ng dugo ang isang sakahan matapos na pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek ang dalawang magsasaka sa gitna ng sakahan, kamakalawa ng hapon sa bayang ito.
Kinilala ang mga nasawi na sina Rufo Angelika, 50-anyos, residente ng Barangay Tibao M’lang Cotabato at Sinon Simpino, 51- anyos, ng Barangay Greenhills President Roxas Cotabato.
Batay sa report ng M’lang-PNP, naganap ang pamamaril sa may sakahan sa Barangay Tibao ng nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon, habang nagtatrabaho ang dalawa sa sakahan na pagmamay-ari ng isang Jun Nietes, ay bigla na lamang dumating ang mga suspek na armado ng matataas na armas at walang babalang pinagbabaril ang mga biktima na tinamaan sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan.
Matapos ang krimen, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.
Nagpapatuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng mga otoridad sa nasabing krimen. (=
- Latest