^

Probinsiya

2 magsasaka niratrat ng 3 nakamaskara

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GENERAL LLANERA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 25-anyos na lalaki habang malubhang nasugatan  ang 40-anyos na kasama makaraang pagbabarilin ng tatlong hindi kilalang lalaki na nakasuot ng bonnet sa Barangay Murcon,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Gen. Llanera Police ang nasawing biktima na si Aljon Nares, magsasaka,may live-in partner habang isinugod sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City, ang sugatang si Rolando Mallari Jr.,40, may-asawa, kapwa ng nasabing barangay.

Nabatid kay P/Staff Sgt. Israel Sibuma, officer-on-case,bago mangyari ang krimen,alas-6:45 ng gabi ay naglalaro ng  mobile game sa kanyang smart phone si Nares sa loob ng kubo nito nang bigla umanong dumating ang tatlong lalaking suspek na nakasuot ng bonnet, camouflage jacket at shorts, sakay ng isang kolong-kolong traysikel at agad na pinagbabaril.

Sunod nito, tinungo ng mga suspek si Mallari sa bahay nito kung saan isang habulan umano ang naganap na nauwi rin sa pamamaril kay Mallari.

Mabilis na dinala ito sa pagamutan ng mga sumaklolong kaanak habang ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo umano sa direksyon ng bayan ng Rizal o sa bayan ng Talavera.

Ayon sa pulisya, paghihiganti ang tinitingnang nilang motibo sa insidente na hindi na idinetalye pa sa ulat.

LLANERA POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with