^

Probinsiya

Dating kawani nagtangkang manloob sa farm, utas sa kuryente

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LIGAO CITY, Albay, Philippines — Patay ang isang dating kawani ng breeding farm matapos niyang pasukin ang dating pinagtatrabahuhan at makuryente sa inilagay na kalbeng sa palibot ng bakod sa Brgy.Busay ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Dahil sa lakas ng boltahe, nangisay at parang sinampay na sumabit ang katawan sa kable ng kuryente sa REV 79 Gamefarm ang biktimang si John Austin Refe Competente, nasa hustong gulang, at residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi ay nagsumbong sa caretaker ng farm ang residenteng si Michael Besta na may nadaanan siyang hindi kilalang lalaki na may hawak na panabong na manok sa loob ng compound.

Agad inalerto ang mga tauhan ng farm at nang kanilang puntahan ang lugar ay natagpuang patay na habang nakasabit ang katawan ni Compente sa kableng inilagay sa bakod habang dalawang panabong na manok ang nakita malapit sa bangkay nito.

Ilang piraso rin ng bakod na kahoy ang tanggal na hinihinalang nilusutan ng biktima sa tangkang pagnanakaw sa da­ting pinapasukang farm.

vuukle comment

BOLTAHE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with