12-anyos nene, tsinap-chop sa CamSur
Hinihinalang ginahasa pa bago pinatay
NABUA, Camarines Sur,Philippines - Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 12-anyos na batang babae na unang naiulat na nawawala matapos matagpuang halos putol-putol ang ilang bahagi ng katawan at hinihinalang ginahasa pa sa madamong lugar malapit sa kalsada ng Zone-6 sa Brgy. Bustrac ng bayang ito kamakalawa ng umaga.
Hustisya ang isinisigaw ngayon ng pamilya at mga kaibigan ng batang biktima na kinilalang si Trixia Mae Samson, residente ng Zone-4, Brgy. San Antonio Ogbon, Nabua, Camarines Sur.
May dalawang “persons of interest” na ang pulisya na kanilang tinututukan sa kanilang isinasagawang imbestigasyon sa krimen.
Sa impormasyon, unang naiulat na nawawala ang batang biktima noong Agosto 4.
Gayunman, dakong alas-9 ng umaga kahapon, Agosto 9 ay natagpuan ng ilang residente ang bangkay ng bata na nasa kalunus-lunos na kalagayan.
Isinasailalim na sa autopsy ang bangkay upang makumpirma kung hinalay ang biktina bago pinatay.
- Latest