Bb. Pilipinas Best National Costume naka-exhibit sa SM Megacenter
CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Isang malaking karangalan para sa Novo Ecijano designer na si Erjohn Dela Serna na manalo sa katatapos na Bb. Pilipinas 2021 ang kanyang obra maestra bilang Best in National Costume.
Isinuot ito ni Nueva Ecija beauty queen Dra. Ruth Erika Quin bilang kinatawan ng lalawigan sa national pageant ng Binibining Pilipinas 2021 noong Hulyo 11 sa Smart Araneta Coliseum.
Labis na kagalakan ang naramdaman ni Dela Serna nang ihayag na nasungkit niya ang Best in National Costume. Naka-exhibit ang costume sa SM Megacenter mula Hulyo 16 hanggang 31.
Binibigyang pagkilala ito ng SM Megacenter dahil sa nakamit na tagumpay ng mga batang achievers dahil sila ang naging tulay na magpapakita sa bansa at sa buong mundo ang tungkol sa kagandahan ng lalawigan ng Nueva Ecija sa pamamagitan ng kanilang kagandahan, talento, dedikasyon at kamangha-manghang likha.
Bukod sa national costume, ang iba pang nilikha ni Dela Serna na isinusuot sa pageant ay naka-display sa upper ground level exhibit area ng mall.
- Latest