Mga estudyante sa Nueva Ecija binigyan ng tablets para sa online class
MANILA, Philippines — Nagpaabot ng mainit na pasasalamat ang mga estudyanteng nangangailangan ng gadget para sa online class, guro at mga magulang ng isang paaralan sa Nueva Ecija sa ibinigay na tablet ng tanggapan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na maaari nilang gamitin sa distance learning.
Ayon sa mga estudyante at mga guro ng Ako Ang Saklay Inc.: A Pastoral Care of the Sick sa San Antonio, Nueva Ecija, malaki ang maitutulong ng mga ibinigay na tablet ng mambabatas sa kanilang pag-aaral.
Anila, napakalaking hamon para sa kanila ang distance learning dahil ilan lang sa kanila ang mayroong tablet na magagamit para sa online class.
Sa tulong ng ibinigay na tablet ni Pangilinan, sinabi ng mga estudyante na makakasabay na sila sa mga aralin at mas maiintindihan na nila ang mga itinuturo ng kanilang guro.
Umaasa ang Senador na malaki ang maitutulong ng mga nasabing gadget para sa pag-aaral ng mga estudyante.
Malaki naman ang pasalamat ng Senador sa mga indibidwal at grupo na kaisa niya sa layuning tulungan ang mga estudyanteng nangangailangan ng gadget para sa online class.
- Latest