^

Probinsiya

Magkakapatid naglutu-lutuan sa bahay, 2-anyos natusta

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Magkakapatid naglutu-lutuan sa bahay, 2-anyos natusta
Dahil malayo sa mga kapitbahay, wala agad nakasaklolo at dahil na rin sa mabilis na pagkalat ng apoy sa nasusunog na bahay ay hindi na nakalabas at kasamang natupok ang batang si Rasel Misal Rodrigueza.
STAR/ File

DONSOL, Sorsogon, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 2-taong gulang na lalaki matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay matapos umanong maglutu-lutuan habang naglalaro sa Sitio Mabini, Brgy. Tupas ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Dahil malayo sa mga kapitbahay, wala agad nakasaklolo at dahil na rin sa mabilis na pagkalat ng apoy sa nasusunog na bahay ay hindi na nakalabas at kasamang natupok ang batang si Rasel Misal Rodrigueza.

Nakatakbo naman palabas ng kanilang bahay at nakaligtas ang mga nakatatandang ka­patid ni Rasel na sina Edna, 4-taong gulang at Roly, 7-taong gulang.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, dakong alas-9:30 ng umaga habang wala ang mga magulang ay posibleng ginutom ang mga bata o nagla­laro kaya sinubukan nilang lutuin ang kopra.

Gayunman, aksiden­teng kumalat ang apoy sa kanilang pinaglulutuan at inabot ang bahay na gawa sa kahoy dahilan para agad na kumalat at masunog ang kanilang bahay.

Sa lakas ng apoy, hindi na nagawang gisi­ngin ng dalawang bata na nakatakbo palabas ng kanilang tahanan, ang natutulog nilang naka­babatang kapatid.

Dahil sa gawa lamang­ sa mahihinang mater­ya­les, natupok ang bahay­ sa loob lamang ng 15-minuto at patay na nang datnan ng mga magulang ang kanilang bunsong anak.

vuukle comment

EDNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with