^

Probinsiya

7,000 baril winasak ng PNP

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
7,000 baril winasak ng PNP
Pinangunahan ni PNP chief Gen. Debold Sinas ang symbolic demilitarization kung saan winasak ang nasa 6,338 units na BER na pawang nakumpiska, isinuko, at nai-turnover sa PNP Property Firearms (CCSDAF-TPPF).
STAR/ File

MANILA, Philippines —Winasak ng  Philippine National Police (PNP) ang nasa 7,000 mga baril na hindi na nagagamit  o  itinuturing nang Beyond Economical Repair (BER) sa Camp Crame  kahapon ng umaga.

Pinangunahan ni PNP chief Gen. Debold Sinas ang symbolic demilitarization kung  saan  winasak ang  nasa 6,338 units na BER na pawang nakumpiska, isinuko, at nai-turnover sa PNP Property Firearms (CCSDAF-TPPF).

Nilinaw ng PNP na mas makabubuting  sirain ang mga ito at hindi na magamit pa sa mga modus ng mga tiwa­ling pulis. Kasama ring sinira ang 1,033 units BER PNP Firearms.

Sa ilalim ng PNP Memorandum Circular No. 2017-017, isasailalim sa pagwasak ang mga armas kung ito ay hindi na makukumpuni gaya na lamang kung ito ay “unsaleable” na at maaaring maging delikado pa kung hindi sisirain.

Ang Demilitarization Process ay kinapapalooban ng pagpuputul-putol sa mga baril gamit ang circular saw o blowtorch, pagbali sa mga ito, pag-deform gamit ang martilyo grinder o iba pang power tools, at pagputul-putol sa wooden parts at stamp aluminum parts nito.

BER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with